Chief Girl Scout Medalists 2017
Last October 20, 2017, Friday, our six Chief Girl Scouts na sina Rizza Ayson, Mickaela Caldona, Rickaela Camara, Kate Decano, Anna Philomena Ferrer at Caira Mae Pascua ay itinanghal ng bilang Chief Girl Scout Medalist na ginanap sa Plenary Hall, Philippine International Convention Center CCP Complex, Pasay City nang dahil sa kanilang impressive projects, addressing the needs of their respective communities at paglalaan ng katiyagaan at determinasyon sa paggawa ng kani-kanilang mga projects.
Ang kanilang project ay nakatuon sa pangangasiwa ng kalusugan ng mamamayan tulad ng Feeding Program, Herbal Garden at Vegetable Garden. Ang kanilang mga proyekto ay malugod na sinuportahan ng kanilang Council Executive na si Tita Lerma Nicomedez, their troop leaders: Tita Teresita Esmeralda, Tita Araceli Nimer, Tita Andora Villanueva, Tita Zenaida Bautista, Tita Imelda Dela Rosa, and Tita Melanie Ferrer and of course hindi mawawala ang kani-kanilang proud na mga magulang upang maging successful ang kanilang naturang proyekto.
Hindi naging madali para sa kanila ang isinagawang proyekto sapagkat, napakarami pang proseso ang kailangan nilang pagdaanan bago ito umpisahan. Gumawa sila ng endorsement letters at ibinigay sa kanilang Principal na si Dr. Erly G. Datario, MAPEH Department Head na si Mrs. Maribel S. Diolazo, sa kanilang Barangay Captains, to their Troop Leaders and to their Parents upang aprubahan ang kanilang isasagawang proyekto.
I remembered last April 29, 2017, Saturday, it’s our Regional Evaluation day headed by Tita Prima Agustin and Tita Juliet Gapuz, kanilang sinuri at tinanong ang mga candidates for Chief Girl Scouts Medalists kung ano ang mga naranasan nila habang ginagawa ang kani-kanilang mga projects, tinanong din pati ang kanilang mga Beneficiaries, Troop Leaders, Barangay Officials and their Parents para kamustahin ang mga nagawang proyekto ng mga bata.
Based on my experienced, hindi naging madali para sa akin ang gumawa ng isang proyekto para sa aking komunidad sapagkat kasabay kong tinutukan ang aking pag-aaral kaya naging mahirap ito para sa akin. Dumating din sa punto na gusto ko nang sumuko subalit hindi maaari. Kaming lahat ay tuwang-tuwa at proud sa aming sarili nang matapos ang aming proyekto dahil sa loob ng ilang buwang pagtitiis at hirap na aming naranasan, mairaos lamang ang aming proyekto ay sa wakas, napagtagumpayan rin namin ito.
For the other Girl Scouts who wants to achieve this, just consult your GSP School Coordinators. So hopefully na-inspire namin kayo. Walang masama kung ito’y inyong susubukan sapagkat hindi lamang medalya ang habol natin dito kundi, ang makagawa ng kabutihan sa ating kapwa. Nakakagaan sa kalooban ang makagawa ng kabutihan o kahit maliit na tulong lamang sa ating kapwa at hindi lang yan, ipagmamalaki ka pa ng buong Pilipinas.
Once again,
Congratulations to the year’s 6 Chief Girl
Scout Medalists of Dagupan City Council.
GOD BLESS US ALL!
#power
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento